P15M natupok sa 7 oras na sunog

UMABOT sa pitong oras ang sunog sa isang industrial area sa Valenzuela City kagabi.

Tinatayang P15 milyon ang halaga ng ari-araing nasunog sa WSN Enterprise na pagmamay-ari ni Nick Ng sa Bica Compound, Sitio Malinis, Lawang Bato.

Nagsimula ang sunog alas-4:27 ng hapon at umakyat ito kaagad sa ikalawang alarma.

Agad na nakontrol ng mga bumbero ang pagkalat ng apoy kaya hindi na ito kumalat sa mga katabing gusali.

Naapula ang apoy alas-11:38 ng gabi.

Walang napaulat na nasugatan sa sunog at iniimbestigahan pa ang pinagmulan nito.

Read more...