Payo ni Nadine sa mga nade-depress: Wag kayong mahiya, your emotions are valid

NADINE LUSTRE

TULUY-TULOY ang pagiging mental health advocate at pagtulong ng Kapamilya actress na si Nadine Lustre sa mga dumadaan sa depression at anxiety attacks.

Very active ngayon ang dalaga sa kampanya para sa mental health awareness para mas marami pa siyang matulungan na tulad niya ay dumaan din sa ganitong uri ng problema.

Talagang ibinabandera ng aktres ang mga pinagdaanan niya habang nakikipaglaban noon sa depresyon para magsilbing inspirasyon sa iba.

 Ito’y sa pakikipagtulungan na rin ng  Mental Health PH na siyang naglabas ng bagong video ni Nadine kung saan nagbigay ng mensahe ang dalaga para sa mga dumadaan sa depresyon o matinding kalungkutan.

“Your emotions are valid. Remember that a lot of people love you, a lot of people care about you,” simulang pahayag ng aktres.

“Whatever it is that you are going through, always remember that you are going to get through it, no matter what. Just don’t lose hope.

“All the feelings that you have, all the emotions that you’re feeling, those are all valid. Don’t be ashamed of it,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa niya, “If you want to talk about something, talk about it with someone who you really trust. It’s good to let it all out and let it go, so that the weight on your shoulders get lifted up.”

Read more...