SA mahigit tatlong buwang pananatili sa bahay, maraming na-discover sa sarili ang Kapuso star na si Miguel Tanfelix.
Sa latest vlog ng binata, ipinasilip niya sa kanyang fans and social media supporters ang daily routine niya ngayon.
“One thing I’ve learned about myself, kapag tanghali na ako nagising, tatamarin na ako buong araw.
“Pero kapag gumising ako nang maaga, mas energized ako at motivated na gawin ‘yung errands ko for the day,” lahad ni Miguel.
“Ang una kong ginagawa tuwing umaga ay mag-tea at magbasa ng libro.
“Ito ‘yung parang jumpstart ko sa umaga. Ang next ay ang pagwo-workout,” aniya pa.
Dagdag na kuwento pa ng “Kambal, Karibal” lead actor, jump ropes ang isa sa paborito niyang cardio workout ngayon.
“Mahilig ako mag-jump rope for 30 minutes. Pero kayo, kung saan kaya mas sanay, pwede kayo mag-HIIT, hula hoop, anything na magpapataas ng heart rate n’yo,” kuwento pa ni Miguel.
After lunch, free time na raw ito ni Miguel para sa sarili niya. Madalas siyang gumawa ng TikTok videos o maglaro ng mobile games. Mapapanood ang “quaroutine” vlog sa official YouTube channel ng Kapuso youngstar.
* * *
Sinusulit naman ng international theater actress na si Rachelle Ann Go ang bawat oras niya para maka-bonding ang asawang si Martin Spies habang naka-quarantine sa London.
Sa isang interview ng Kapuso actress, ikinuwento niya ang buhay may-asawa nilang dalawa.
Aniya, “Kakalipat lang namin. My husband got the keys around December tapos nu’ng pagbalik ko dito nu’ng February, ready na ‘yung bahay.
“Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng normal time with the husband. Nagluluto, dinner together, first time namin. Parang ngayon lang kami ikinasal talaga. I am very grateful for this time,” kuwento ni Rachelle.
Naging busy rin siya sa pagde-decorate ng kanilang bahay habang naka-quarantine.
“Actually, halu-halo ‘yung gusto ko but gusto lang namin very chill. We love hosting people, families and friends. Ang aming tema ay warm country house, rustic,” dagdag niya.