2 arestado sa 1.5 kilo ng marijuana

Jail

ARESTADO ang dalawang lalaki na nahulihan umano ng 1.5 kilo ng marijuana sa Quezon City kagabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Carlo Santos, 24, at Briggs Estre, 22, kapwa residente ng Brgy. Sta. Monica.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya alas-5:30 ng hapon sa kanto ng Mindanao Ave., at Commonwealth Ave., Brgy. Sta. Monica.

Nakabili umano ang poseur buyer ng P30,500 halaga ng marijuana sa mga suspek.

Nang maaresto ay nakuhanan pa umano ang mga ito ng dalawang brick ng marijuana na nagkakahalaga ng P180,000.

Read more...