MGCQ idedeklara na sa MM sa Hulyo 16?

SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na itutuloy pa rin ang kampanya kontra coronavirus disease (COVID-19) sakaling aprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ni Finance Secretary Carlos Dominguez na ipatupad na ang modified general community quarantine (MGCQ) sa Metro Manila.

Pero tingin ko po, persuasive din naman po ang naging presentasyon ni Secretary Dominguez sa ating Presidente na talagang ginawa natin ang lahat para mapapigil ang pagkalat ng sakit at gagawin pa rin natin ang lahat,” sabi ni Roque.

Sa nakaraang pulong na pinangunahan ni Duterte, inirekomenda ni Dominguez ang pagdedeklara ng MGCQ sa National Capital Region (NCR) mula sa kasalukuyang General Community Quarantine (GCQ).

“…dumating na tayo sa punto na kinakailangan din nating buksan ang ekonomiya nang hindi naman tayo mamatay sa gutom dahil walang hanapbuhay,” dagdag ni Roque.

“Now, hindi naman po ibig sabihin na ititigil na natin ang laban sa COVID-19; ipagpapatuloy po natin iyan. Paano po? Una, hygiene, masks, distancing and washing of hands,” ayon pa kay Roque.

Ani Roque na tuloy-tuloy din ang mass testing sa bansa para matukoy ang mga tinamaan ng COVID-19 para maabot ang target na 32,000 kada araw.

 

“At pangatlo po siyempre, ia-isolate natin sila kaya nga po marami na tayong We Heal as One Centers hindi lang po dito sa Metro Manila at sa Luzon, pati na rin po sa Visayas,” paliwanag pa ni Roque.

Patuloy din ang pagdedeklara ng localized lockdown sa mga lugar na tumataas ang mga kao ng COVID.

“At napapansin ninyo naman po sa balita dito sa Metro Manila, napakadaming mga mayor din po na nagla-lockdown ng mga localized areas dahil iyan pa rin po ang taktika natin para nga hindi lalong kumalat ang sakit,” ayon pa kay Roque.

 

Read more...