Learning materials ng DepEd ilegal na ibinebenta online

Online

PINAIIMBESTIGAHAN ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera sa National Bureau of Investigation at Philippine National Police ang iligal na pagbebenta ng mga printed learning materials ng Department of Education.

Nababahala si Herrera na may mga magulang na bumili ng “unauthorized and outdated” na mga learning materials.

“Authorities should identify those behind this illegal activity and find out why these misleading materials are being sold and distributed online,” ani Herrera.

Sinabi ni Herrera na nakalulungkot na mayroong mga tao na nais pagkaperahan ang kalituhan ng mga magulang sa new normal sa sektor ng edukasyon.

“It is important that we get into the bottom of this controversy because the future of the country’s public education is at stake here.”

Maaari umanong kasuhan ng copyright infringement ang nasa likod ng mga pagbebenta ng mga learning materials.

Hindi ipinagbibili ang module ng DepEd at hindi pa naglalabas ng module ang DepEd na gagamitin para sa school year 2020-2021. Hindi rin ito ipinagbibili ng DepEd.

Read more...