SA ikalawang pagkakataong naglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission laban sa ABS-CBN, may hugot song namang handog si Moira dela Torre para sa lahat ng kapwa niya Kapamilya.
Napatigil na rin ang operasyon ng Kapamilya channels dahil sa CDO ng NTC laban sa ABS-CBN tulad ng KBO, Teleradyo, Jeepney TV, Yey, Asianovela Channel at CineMo sa TVPlus o black box.
Sa gitna ng bagong pagsubok na ito sa Kapamilya network, isang madamdaming awitin ang handog ng Cornerstone talent na si Moira, ang “Hanggang Sa Huli” na mapapanood sa kanyang YouTube channel.
Ani ni Moira sa kanyang post, “To my ABS-CBN family, as the seasons get harder and harder, I hope you remember that this is all it’s gonna be a hard season.
“Because at the end of the day, whatever other people might say about our family, this is always what we’re gonna be — a family.
“So along with all the families you have helped and all the lives you have touched, we want you to know we stand by you.
“Mahigpit na yakap. Nandito kami hanggang sa huli,” mensahe pa niya.
* * *
Mas taimtim pang dasal ang kailangan para sa makatarungang desisyon hinggil sa ABS-CBN franchise renewal. Yan ang pahayag ni Melai Cantiveros sa pagpapatuloy ng hearing sa Kongreso.
Post ni Melai sa kanyang Instagram account, “Humihingi po ako ng tulong sa patuloy na pagdarasal na magabayan ng maayos ng desisyon ng ating mga kongresista, na sana ay para sa kabutihan ng lahat at di sa pansarili at makamundo lamang.
“Di po ‘yan deserve ng mga boss namin na ‘di man lang makatapos sumagot, tanong naman, nasasaktan po kami kasi ang bubuti ng mga boss namin.
“Maaring ‘di rin alam ng boss nmin ang mga nangyayari sa ilalim, kaya sana mabigyan na po kami Lord,” sabi pa ni Melai gamit ang hashtags na #IbalikAngABSCBN at #WeNeedABSCBN.