HABANG nahihirapan umano ang maraming kompanya, ‘big winner’ umano ang Manila Electric Company na binabatikos sa social media dahil sa laki ng bayarin ng kanilang mga kustomer.
Ayon kay Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera nakukuwestyon ang Meralco dahil sa paglaki ng bayarin ng mga kustomer na malayo umano kung ikukumpara sa tipikal na binabayaran ng mga ito.
“As majority of businesses are taking a heavy beating, Meralco is emerging as a big winner from the coronavirus pandemic,” ani Herrera. “But unfortunately, this is at the expense of its numerous consumers who felt they were overcharged for their power consumption during the lockdown and taken advantaged by Meralco as they experience the worst public health crisis of this generation.”
Ang paggiit umano ng Meralco na ang kanilang pinababayaran sa kustomer ay ang aktwal na nakonsumo at ang pagtaas ay dahil mas maraming tao na nananatili sa bahay dahil sa quarantine ay mistulang pagsasabi na ibabasura nito ang mga reklamo.
“With this kind of statement, Meralco is practically laying the basis for the outright dismissal of these consumer complaints,” saad pa ng lady solon. “The ERC should not let the complaints go unsolved, especially if these are valid.”
Nauna ng sinabi ni Herrera na maaaring mapanagot ang Meralco sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act (Republic Act 11469) kung mapatutunayan na sinamantala nito ang pagkakataon na kumita ng malaki.