Nagtatrabaho sa MRT3 line na nagpositbo sa COVID-19 nadagdagan

COVID testing center

NADAGDAGAN ang bilang ng mga nagtatrabaho sa Metro Rail Transit 3 na nagpositibo sa coronavirus disease 2019.

Ayon kay Transportation Undersecretary Goddes Hope Libiran lumabas ang mga bagong resulta ng swab test at mula sa 92 ay 127 na ang kabuuang bilang ng mga tauhan ng MRT 3 na nahawa ng COVID-19.

Sa 127, 124 ang tauhan ng Sumitomo-MHI na nakatalaga sa depot.  Ang tatlo naman ay MRT-3 Depot Personnel.

Wala namang Station Personnel ng MRT3 na nagpositibo sa COVID-19.

Mayroong 1,714 Depot Personnel at 7.4 porsyento ang nagpositibo sa COVID.

Read more...