Derrick awang-awa sa barberong nawalan ng trabaho; bagong 'baby girl' ipinakilala na | Bandera

Derrick awang-awa sa barberong nawalan ng trabaho; bagong ‘baby girl’ ipinakilala na

Jun Nardo |July 02,2020
facebook
share this

Derrick awang-awa sa barberong nawalan ng trabaho; bagong ‘baby girl’ ipinakilala na

Jun Nardo - July 02, 2020 - 11:11 AM

NAANTIG si Derrick Monasterio at ilang kaibigan sa kuwento ng isang barbero na inimbitahan ng kaibigan sa bahay nila para magpagupit.

      Habang kausap ang barber, naikuwento niyang wala na siyang trabaho dahil nagsara na ang shop na pinapasukan nila.

“May time na super haba ng hair ko and then my friend invited his barber sa house nila to cut his hair. 

“Tapos in-interview niya ‘yung barber na parang, ‘Musta ka Kuya?,’ ganyan. ‘Boss, wala kaming work. Nagsara na ‘yung [shop] namin.’ 

“Naawa kami. Me and my friend decided na umpisahan namin yung naisip naming business para matulungan namin si Kuya,” ani Derrick. 

     Ang tinutukoy nga ng Kapuso hunk ay ang home service haircut business na QUARANCLEANPH na siyang pinagkakaabalahan niya ngayon kasama ang mga kaibigan habang wala pang taping.

      May bago rin siyang “baby girl” na kasa-kasama niya kapag nag-eehersisyo.

 Ito ay walang iba kundi ang four-month-old niyang pet na isang Labrador. 

Dahil tuloy ang fitness routine ni Derrick kahit pa naka-quarantine, ang alagang aso ang lagi niyang ka-bonding.

“She’s a four-month old Labrador. Malaki na siya nu’ng na-meet ko so ‘di niya ‘ko kilala nu’ng una. 

“Tumatakbo rin siya, like nakakasabay siya sa pace ko. 15 minutes ako magjo-jogging, 15 mins din siya tatakbo,” kuwento pa ni Derrick.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending