WISH ni Megastar Sharon Cuneta na si Vice President Leni Robredo ang pumalit kay Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Sa kanyang Instagram live video, diretsahang sinabi ng singer-actress na naniniwala siya sa kakayahan ni VP Leni na pamunuan ang Pilipinas.
Dito, nilinaw din ni Sharon na kahit magkaiba ang paniniwala nila ni Duterte sa politika at kinaaanibang partido, hiwalay ito sa personal nilang relasyon. Asawa ni Mega ang opposition senator na si Kiko Pangilinan.
“I’ve always been good, or at least I’ve tried separating politics from friendships and relationships.
“Ang trato sa akin ng Pangulo parang anak niya, ang tawag niya pa sa akin, ‘the singer of my life,’ tapos mahal ko si Inday Sara (Duterte) kasi maliit pa ‘yan Sharonian na ‘yan,” paliwanag ng movie icon.
Pagpapatuloy pa niya sa kanyang IG live, “Ang gusto ko talagang maging presidente noon si Sen. Grace Poe. Isa pang ubod ng disente. Hindi ko siya makapanya noon dahil si Kiko was with the administration.
“I wanted Sen. Grace Poe to win, at alam ni Tatay (Duterte) ‘yun,” aniya pa kasabay ng pag-amin na ikinampanya niya noon sa VP Leni.
“I don’t know what’s happened to our country. I hope VP Leni runs for president next time, dahil hindi na rin naman makakatakbo si Tatay next time.
“Napakadisente. Nakakatakot na kasi…ngayon lang ako naka-experience ng ganito.
“Pagkatapos ng term ni Pangulong Duterte, sana talaga manalo si VP Leni kung tumakbo siya. Baka sakaling bumalik ang pagkadisente ng karamihan sa atin,” diin pa ni Mega.