Bagong Interchange sa NLEX magagamit na bukas

BUBUKSAN na bukas (Huwebes) ang Tambobong Interchange sa North Luzon Expressway na magiging bagong daan papunta sa Bocaue, Bulacan, ayon sa Department of Public Works and Highways.

Ang bagong interchange ay magsisilbing alternatibong daan para sa mga pupunta sa Sta. Maria, Angat, at Pandi na nasa silangang bahagi ng Bulacan.

“The completion of this new route is vital to fulfilling our goal of improving roads leading to growth corridors. We are delighted to let our commuters know that we are able to provide traffic congestion relief and reduce travel time between the NLEX and eastern Bulacan towns,” ani DPWH Sec. Mark Villar.

Ang interchange ay mayroong dalawang lane sa southbound entry, two-lane sa northbound entry, at three-lane northbound exit. Mayroon din itong tatlong RFID lane para sa mas mabilis at cashless transaction.

“With these new access roads, we are expecting to enhance mobility within the Bulacan road network and help alleviate the heavy traffic situation at the Bocaue Interchange,” ani NLEX Corporation President and General Manager J. Luigi Bautista.

Mapapabilis umano ang pagbiyahe sa lugar at makatutulong sa plano sa Bulacan gaya ng bagong international airport.

Read more...