Guard nang-hostage ng doktor

HINOSTAGE ng isang naaksidenteng guwardya ang isang doktor sa East Avenue Medical Center kaninang umaga.

Tinutukan umano ng hiringgilya (syringe) ni Hilarion Achondo, 51, ng Milagrosa st., Project 8, ang doktor sa Emergency Room ng ospital alas-5:50 ng umaga.

Nabatid na naaksidente ang suspek habang nagmomotorsiklo kaya nasa ospital ito.

Walang hiningi ang suspek nang i-hostage ang doktor na kanya ring pinakawalan matapos kausapin ng mga pulis.

Mayroon umanong ginagamot ang doktor nang tutukan ng hiringgilya ng suspek.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang dahilan ng ginawa ng suspek.

Read more...