MASAKIT man sa kanyang kalooban, nagdesisyon na rin ang TV host-comedian na si Allan K na ipasara na ang pag-aari niyang comedy bars.
Kinailangan nang magdeklara ng bankruptcy si Allan dahil wala na talagang kinikita ang kanyang Klownz at Zirkoh comedy bars nang dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa nakalipas na mahigit tatlong buwan simula nang magkaroon ng lockdown, walang kinita ang mga negosyo ni Allan K katuwang ang general manager nilang si Lito Alejandria.
Kung hindi kami nagkakamali, halos 18 years ding nag-operate ang Klownz sa Quezon Avenue, Quezon City habang 16 taon naman nagbigay saya at katatawanan ang Zirkoh na matatagpuan sa Tomas Morato, Quezon City.
Naipaalam na nina Allan K at Lito sa kanilang mga empleyado at mga stand up comedian kahapon ang malungkot na balita.
Nagpadala na rin sila ng formal letter sa kanilang staff tungkol sa pagsasara ng Zirkoh at Klownz. Narito ang laman ng nasabing liham.
“We regret to inform you that our company, Klownz Comedy Bar Inc., is facing a tremendous economic financial loss brought about by the Corona Virus 19 Pandemic in the Philippines.
“And because of this unprecedented uncertainty, our overhead expenses cannot be met, that is the reason that the company resorted to closure effective July 29, 2020.
“As much as we want to give you the statutory separation pay as provided by the law, the company can no longer afford the same as we are now in the verge of bankruptcy and we do not have enough funds to pay the same.
“We can only offer the following compensations: Unpaid salary; 13th Month Pay (Prorata); Cash assistance from the company.
“You are no longer required to work on July 29, 2020. Thank you and we appreciate the service you have rendered to the company.”