SINIMULAN na ng Land Transportation Office ang online transaction para sa mga naga-apply at nagre-renew ng lisensya sa pagmamaneho.
Ang Land Transport Management System (LTMS) ay magagamit na ng 24 na tanggapan ng LTO.
Sa ilalim ng LTMS, makapagsusumite na ng online application para sa bago at renewal ng driver’s/conductor’s license. Maaari rin itong gamitin para makapag-book ng appointment at makapagbayad sa pamamagitan ng portal.lto.gov.ph.
Sa LTMS na rin mag-a-aplay ng student permit simula sa Agosto 3.
“We are fast-tracking necessary preparations so that more LTO offices will be equipped with the LTMS. Rest assured that while we shift to the new normal, we will surely adapt to digitalization. That’s where we are heading,” ani LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante.
Sa susunod na linggo ay sisimulan na ang pilot testing para sa motor vehicle registration.
Ang online service para sa driver’s license transactions ay ginagamit na ng:
Sa Metro Manila, Central Office-License Section, Quezon City Licensing Center, Eastwood DLRO, Ever Gotesco DLRO, at Muntinlupa District Office.
Sa Luzon, Laoag District Office, Bayombong District Office, Lipa District Office, Naga District Office, Calapan District Office, Baguio Licensing Center, San Fernando Licensing Center, Angeles District Office, at Binan District Office.
Sa Visayas, Tagbilaran District Office, Dumaguete District Office, Roxas District Office, at Ormoc District Office.
At sa Mindanao, Pagadian District Office, Malaybalay District Office, Butuan District Office, Tagum District Office, Davao District Office, at General Santos District Office.