Tulong ng LGUs sa mga paaralan kailangan–DILG

PINATUTULUNGAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan ang mga pampublikong paaralan at ipinagagamit ang Special Education Fund (SEF) para sa implementasyon ng Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) ng Department of Education (DepEd).

Sinabi ni DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na dapat ay ipatawag ng mga lokal na pamahalaan ang Local School Boards upang maplano ang new normal sa edukasyon.

“In a crisis, we need all the help that we can get at ang SEF ay tulong na itinatadhana ng ating batas para sa pagpapanatili ng matibay na pundasyon at kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Hinihikayat natin ang LGUs na gamitin ito ngayong malaki ang kinakaharap na pagsubok ng ating sektor ng edukasyon,” ani Malaya.

Ang LSB ay ipatatawag upang magawa ang alokasyon ng pondo.

Maaari rin umanong tumulong ang barangay sa pamimigay at koleksyon ng mga enrollment forms at pamimigay at pagkuha ng mga printed module sa mga estudyante.

Read more...