NU BULLDOGS llamado sa ADAMSON FALCONS | Bandera

NU BULLDOGS llamado sa ADAMSON FALCONS

Mike Lee - August 18, 2013 - 03:00 AM


Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
2 p.m.  NU vs Adamson
4 p.m.  FEU vs La Salle
Team Standings: FEU (7-1); NU (5-3); UE (5-3); UST (4-4); La Salle (4-4); Ateneo (4-4); Adamson (3-5); UP (0-8)

PAGTATANGKAAN ng National University na makakalas sa pakiki-pagsalo sa University of the East sa ikalawang puwesto sa pagbangga  nito sa Adamson University sa 76th UAAP men’s basketball tournament ngayon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Galing ang tropa ni coach Eric Altamirano sa 59-58 pananaig sa nangungunang Far Eastern University sa huling laro at kung madudugtungan pa ang tagumpay ay maiiwan nila pansamantala ang  UE Warriors.

Si Bobby Ray Parks Jr. ang aasahan uli ng Bulldogs pero malaking tulong kung gagana uli ang iba niyang kakampi na mahalagang bagay kung nais ng koponan na umabante  sa Final Four.

“We need all the wins we can get in this round. We need a sense of urgency, we need the bench to step up,” wika ni Altamirano.
Sa ganap na ika-2 ng hapon itinakda ang nasabing bakbakan at ang host Falcons ay nangangailangan din ng panalo para bumangon mula sa 3-5 baraha.

Ang determinasyong lumaban sa Final Four ang hanap ni coach Leo Austria sa kanyang mga alipores bagay na hindi niya nasilayan noong tanggapin ang 69-70 pagyukod sa overtime kontra La Salle.

Tampok na laro ngayon ay ang pagkikita uli ng Archers at Tamaraws dakong alas-4 ng hapon. Ibalik agad ang tikas ng paglalaro ang hangad ng tropa ni FEU coach Nash Racela matapos wakasan ng Bulldogs ang kanilang seven-game winning streak sa first round sa unang laro sa second round.

“Nag-struggle lang kami sa opensa pero ang maganda ay naroroon pa rin ang depensa. Pipilitin namin na makabawi,” wika ni Racela na tumayo ring scout ng national men’s team na nanalo ng pilak sa 27th Fiba-Asia Men’s Championship.

Hindi pa batid kung makakalaro si RR Garcia na ipinasok ng ospital noong Miyerkules ng gabi dahil sa allergy ngunit nailabas na noong Biyernes kaya’t ang pagdadala sa koponan ay ipagkakatiwala uli kay Terrence Romeo.

Kailangang bumawi ni Romeo sa mahinang walong puntos na naipakita sa huling laro kontra Bulldogs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending