Female star nagparetoke na ng ilong at dibdib, nagpatambok pa ng pwet 

By Cristy Fermin June 30,2020
share this

Female star nagparetoke na ng ilong at dibdib, nagpatambok pa ng pwet 

By Cristy Fermin June 30,2020 - 11:01 AM

MATIGAS ang pagtatanggol ng isang source sa isang female personality na balitang maraming ipinaayos sa kanyang mukha at katawan para mas gumanda siya at sumeksi.

    Nagpa-nose enhancement daw ang female personality, nagpagawa ng kanyang dibdib, nagpa-injection din daw siya ng kanyang puwet para tumambok.

    Pero wala raw katotohanan ‘yun ayon sa isang source na kilalang-kilala ang babaeng personalidad. Wala raw ipinagalaw sa kanyang mukha at katawan ang girl.

    Kuwento ng impormante, “Hindi naman imposibleng magpagawa siya, may pera na siya ngayon, kaya na niyang magbayad. Pero wala talaga siyang ipinagawa.

    “Ang boobs niya, flat pa rin, may ginagamit lang siyang brand ng bra na kapag tiningnan mo, e, parang ang laki-laki ng dibdib niya.

    “Ang katawan niya, nakuha niya ‘yun sa matiyagang pag-e-exercise. Health buff siya, kung hindi man siya nakakapunta sa gym, marami siyang alam na form of exercise para hindi niya mapabayaan ang kurbada ng katawan niya.

    “Ang puwet niya naman, walang injection ‘yun, nasa pag-anggulo lang niya ‘yun, alam n’yo naman na magaling siya sa projection. Nakikita ‘yun sa mga pictorial niya.

    “Mahusay siyang umanggulo, ‘yun ang expertise niya talaga, kinakabog niya ang ibang artista diyan sa husay niya sa projection,” depensa pa rin ng aming source.

    Tanggap daw naman ng female personality ang kanyang mga kakulangan, ‘yun daw ang ibinigay sa kanya ng universe, kaya hindi niya makokontra ang natural niyang mga katangian.

    “E, wala namang perfect beauty, di ba? Kundi kulang, sobra naman. Kung ‘yung isang young actress nga, may problema sa mga binti niya, pero tanggap niya ‘yun!” pagtatapos ng aming impormante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending