KINILIG ang ilang netizens sa ipinost na picture ni Kris Aquino sa kanyang social media accounts nitong nagdaang weekend.
Paano kasi, katabi ni Kris ang abogadong si Atty. Gideon Peña habang nagdi-dinner sa bahay nila kaharap ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby.
Tsika ni Kris sa inilagay niyang caption sa litrato nila habang nagdi-dinner, “real friend” daw niya si Atty. Gideon.
Ito ang buong caption ni Kris sa kanyang IG post, “Someone will now patiently discuss the ending of MISTY and DESIGNATED SURVIVOR: 60 DAYS (Korean flag) with me… it’s a gift to have a REAL FRIEND. Happy weekend.”
Siya ang abogadong binanggit ni Kris sa past IG post niya na nag-remind sa kanya ng confidentiality clause sa pinirmahan niya na bagong kontrata sa bagong TV network na lilipatan niya.
Actually, kung pagbabasehan ang sinabi ni Kris na “new partner” or bagong TV network para sa pinirmhang kontrata niya ibig sabihin out na ang ABS-CBN at GMA 7.
Eh, ano pa ba ang TV network ang hindi pa napupuntahan ni Kris kundi ang TV5 na balitang-balita ring bubuhaying muli ang kanilang entertainment department.
Anyway, ito ang ilan sa mga nabasa naming comment sa Facebook post ni Kris regarding sa photo nila ng kids niya with the mysterrious guy or should we say suitor?
“Wowww!! love seeing them this way!!…sana c Atty. G nlng ang forever ni Kris!!!”
Say naman ng may account name na Sun Yram Ianglenn, “Bff lang!.Naku, naku, naku! Daming love affairs especially sa showbiz ang nagsisimula sa pagiging magkaibigan, hah!”
Hirit ni Sun Yram Ianglenn, “Sana nga bagay sila.”
Sabi naman ni Emm Mms, “YOU really look HAPPIER And OMG with Atty Gideon GOD AND THE UNIVERSE BLESS YOU MORE KRIS.”
At ito naman ang sabi ni Vianney St. John, “Happy bonding with your 2 adorable boys Ms. Kris and a real friend atty. Gid Peña. may this be a regular foursome bonding.”
In fairness, marami ang kinilig na netizens when they found out na si Atty. Pena yung guy na ka-dinner ni Kris sa bahay niya. Aba, kung bumubwelo lang para manligaw kay Kris ang lawyer ay wala naman sigurong masama.
Una, nasilip namin ang ilang personal info about him sa kanyang Facebook account. Nakalagay sa relationship status niya, he’s single. Ipinanganak siya noong June 12, 1989. So, that makes him 31 years old now.
Graduate siya ng Political Science sa UST Legazpi at nagtapos ng Law sa FEU. Law instructor siya sa FEU Institute of Law at nagtatrabaho rin sa Insular Health Care.
Bongga ang resumè, di ba?
Kaya lang, binasag naman agad ni Kris ang kilig ng IG follower niya na may account name na @cutetotit, “I am praying for an age appropriate life partner.”
Although, di naman sinabi exactly ni Kris kung ilan taon ang lalaking ipinapanalangin niya to be her partner, kaya baka pasok pa rin ang edad ni Atty. Peña.
Pero sa pag-ibig naman may kasabihan na age doesn’t matter. Example na diyan ang dating BFF ni Kris na si Comedy Queen Ai Ai delas Alas na mahigit sampung taon ang diperensya ng edad sa mister niyang si Gerald Sibayan.