P136K shabu nasamsam sa kelot na nabilhan ng P500 droga

Jail

ARESTADO ang 37-anyos na lalaki na nakuhanan umano ng P136,000 halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Quezon City kanina

Kinilala ang suspek na si Bailyn Uwa, ng Quiapo, Manila.

Nagsagawa ng operasyon ang pulisya laban sa suspek alas-12:30 ng umaga kanina sa Roosevelt Ave. kanto ng General Lim, Brgy. Sta. Cruz. Nakabili umano ang poseur buyer ng P500.

Nang maaresto ay nakuhanan umano ang suspek ng 20 gramo na nagkakahalaga ng P136,000.

Samantala, nahuli naman ng Batasan Police sa hiwalay na buy-bust operation sina Kemboy Sta. Ana, 28, at Marife Punzalan, 29, alas-4:30 ng hapon kahapon sa Bicol st., Group 3 Area B, Brgy. Payatas.

Nakumpiska umano sa kanila ang 12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P81,000, isang motorsiklo at isang mountain bike.

Read more...