Dagdag na ruta ng bus binuksan

DALAWANG maikling biyahe ng bus ang idinagdag ngayong araw upang matulungan ang mga pasahero na walang masakyan.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board binuksan ang mini loop routes na Monumento – MRT Quezon Ave. Station, at PITX – Ayala.

Sa Hulyo 1 naman ay bubuksan ang rutang Timog – Santolan.

“Araw-araw ang isinasagawang assessment ng ating pamahalaan para malaman ang pangangailangan, base sa mga nakalap na impormasyon on the ground, upang matulungan ang ating mga commuter, ngunit sa pamamaraang hindi malalagay sa alanganin ang kanilang kalusugan at kaligtasan,” saad ng LTFRB sa isnag pahayag.

Read more...