Ryan pinagmumura ng netizen, pati magulang dinamay: Ano bang problema?  | Bandera

Ryan pinagmumura ng netizen, pati magulang dinamay: Ano bang problema? 

Ervin Santiago |June 28,2020
facebook
share this

Ryan pinagmumura ng netizen, pati magulang dinamay: Ano bang problema? 

Ervin Santiago - June 28, 2020 - 12:47 PM

Judy Ann-Ryan

PINAGMUMURA ng isang netizen ang TV host-actor na si Ryan Agoncillo dahil hindi niya nagustuhan ang ginawa nito kay Judy Ann Santos.

Sa isang Instagram post, walang pakundangang tinawag nitong g*g* at ul*l si Ryan para lang ipagtanggol si Juday. 

Talagang pinakain niya ng P.I. ang Eat Bulaga Dabarkads at idinamay pa ang kanyang mga magulang sa galit nito nang dahil sa walang kakuwenta-kuwentang dahilan.

Pero sa halip na patulan at pagsalitaan din ng masama, mahinahong sinagot ni Ryan ang pambabastos ng netizen.

Aniya, “Ang taong nanakit kadalasan may pinagdadaanan pero walang umiintindi at patuloy na nasasaktan. Kung ito ang paraan mo ng pagtawag ng pansin, sige paglalaanan kita ng panahon baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo.

“Dito natin itigil ang sakitan. Anong problema? Maaring dito ka sumagot o kahit mag DM ka. Pakikinggan kita,” pahayag pa ni Ryan sa nasabing troll. 

Binalaan naman ni Juday ang netizen na itigil na ang pagtatago sa iba’t ibang online accounts at sinabing handa silang pakinggan kung ano ba talaga ang kanyang problema at baka may maitulong pa sila.

“Wag kang magtago sa iba’t ibang account. Anong nagagawa sa’yo ng mga masasama at masasakit na salita laban sa asawa ko at higit sa mga magulang niya na magulang ko na rin?” simulang pahayag ng Kapamilya TV host-actress.

Pagpapatuloy niya, “At oo…patay na patay ako sa asawa ko dahil asawa ko sya. May problema ba? Ganu’n kami maglambingan tulad din ng ibang mag aasawa. 

“Ayoko na sanang patulan ka. Pero tama si Ryan, baka kailangan mo ng taong papansin sa’yo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Eto, pinapansin ka na. Baka sakaling sa paraang ito makaramdam ka ng may mga taong makikinig sa sentimyento mo,” dagdag pang mensahe ni Juday sa basher ni Ryan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending