Heart, Chiz goodbye LDR, muling nagkita after 100 days  | Bandera

Heart, Chiz goodbye LDR, muling nagkita after 100 days 

Ervin Santiago |June 28,2020
facebook
share this

Heart, Chiz goodbye LDR, muling nagkita after 100 days 

Ervin Santiago - June 28, 2020 - 12:03 PM

MAKALIPAS ang mahigit 100 days, muling nagkita at nagkasama ang mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero.

Kinaya ng Kapuso actress at ng gobernador ng Sorsogon ang tinatawag na “LDR” o “lockdown relationship” dulot nga ng COVID-19 pandemic.

Nang ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa bansa ay nasa Sorsogon si Chiz habang nasa Manila naman ang kanyang misis kaya mula noon ay hindi na sila nagkita.

Sa wakas, matapos ang mahabang pagtitiis, muli ngang nagkasama ang mag-asawa kaya siguradong umaatikabong bonding session ang magaganap sa kanilang tahanan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Heart kaninang umaga ng litrato nila ni Chiz nang magkasama. Nilagyan niya ito ng short caption na, “At long last!”

Itinag pa niya si Chiz with matching red heart emoji. Kitang-kita naman ang kaligayahan sa mukha ng mag-asawa base kanilang reunion photo. Comment nga ng isang netizen sa muling pagkikita nina Mr. & Mrs. Escudero , “ngiting tagumpay”.

Noong nagsisimula pa lang ang lockdown, inamin ni Heart na nagkakaroon siya ng anxiety attacks kaya naisipan niyang gamitin ang oversized hoodie na ibinigay sa kanya ni Chiz.

Ito’y para kahit paano’y maibsan ang matinding pagka-miss niya sa asawa habang nakikipagpalaban sa epekto ng lockdown.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending