2 wanted arestado sa QC

DALAWANG lalaki na wanted umano sa magkakahiwalay na kaso ang naaresto sa Quezon City.

Si Jeff Lester Evangelista, 29, construction worker at ng Brgy. Sto Domingo, ay number 6 umano sa Most Wanted Persons list ng Police Station 1 ng Quezon City Police District.

Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Catherine Manodon, ng Regional Trial Court Branch 104 ng Quezon City. Siya ay hinuli alas-6:30 ng umaga sa 18 G Araneta Avenue. Brgy. Sto. Domingo.

Nahuli naman ng Talipapa Police si Johnny Monares, 59, na nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children, alas-8:40 ng gabi sa Geronimo st., Brgy. Tandang Sora.

Read more...