#AyudaSerye ni Heart walang ending; mamimigay uli ng tablet sa mga estudyante

GOOD news sa lahat ng mga magulang at estudyante na problemado pa rin sa mga kakailanganing gadget sa online schooling!

Ibinandera ng tinaguriang Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista na magbibigay uli siya ng free tablets para sa second batch ng kanyang pagtulong sa mga magbabalik-eskwela this year.

Sa kanyang Instagram story, ipinost ni Heart ang magandang balita na ikinatuwa naman ng kanyang followers na umaasa sa kanyang #AyudaSerye.

Ayon sa Kapuso actress, ibibigay niya ang kumpletong detalye sa kanyang social media account kung paano makakakuha ng libreng tablet ang kanyang followers, partikular na ang mga estudyanteng walang budget para sa school gadgets.

Bukod dito, ibinalita rin niya na very soon ay magkakaroon pa siya ng bagong charity project na tatawaging #bigHeartPH.

“There’s going to be a better way for you to be able to get a tablet! Mechanics soon on my IG.

“Follow me and I’ll be coming up with the details this July 1,” pahayag ni Heart sa kanyang IG post.

Nauna rito, nakapagbigay na ng 550 free tablets ang misis ni Chiz Escudero sa mga kapuspalad na mag-aaral para sa kanilang online classes bilang bahagi ng tinatawag na academic system’s new normal.

Sa isang panayam, sinabi ni Heart na feeling niya ay kulang pa ang ginagawa niyang pagtulong sa mga kababayan nating lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

“I feel happy, but I don’t feel satisfied. Sana hinanda ko ‘yung sarili ko, you know? ‘Cause what I do on Instagram is a business. What I wear, what I dress for whatever, ‘yung OOTDs, that’s my work, that’s my business, and I earn from that.

“But I wish if I could save a little bit more for this time, I would’ve done it. I feel that everybody should help because there’s really no big amount in helping someone. 

.

Patuloy pa niya, “I wanna do more, I wanna keep going, and as much as I can, I will do it.

“Because I feel like you are blessed in life not just for your glory. You are blessed to share. You’re given the sparkle to make other people sparkle in my arte way of saying it. Now is the time to do that,” pahayag pa ni Heart.

Read more...