Annabelle na-shock sa ginawa ni Ruffa: Magkaaway pa tayo that time, pero…

NAG-SORRY ang talent manager na si Annabelle Rama sa panganay niyang si Ruffa Gutierrez na nag-celebrate ng 46th birthday niya kamakailan.

Hindi kasi siya nakarating sa simpleng selebrasyon ng kanyang panganay dahil may kailangan siyang asikasuhin.

“Happy birthday to my one and only daughter @iloveruffag. Sorry that Alexa & I didn’t go to your place to celebrate w/ you last night. I just saw it in your Instagram this morning,” unang tweet ni Annabelle.

Pinayuhan din niya ang anak na huwag pababayaan ang kanyang sarili at laging magpa-check-up sa ospital. Pareho raw kasi sila ni Ruffa na takot sa mga doktor lalo na sa injection.

“Busy day for me yesterday. Hope you understand kung nasaan ako. Take care of your health. Don’t forget to have checkup every year katulad ka rin sa akin takot sa doctor and injection.

 “Take care of Lorin & Venice. Ipa-prioritize mo silang dalawa sa buhay mo. Give them all your love. Not other people.

“Everytime we talk lagi tayong nag-aaway. You know the reason why. You & our family palagi kung pinagdasal. Kasama kayo lagi sa prayers ko. Kaya ang tagal ko sa harap ng altar ko,” pahayag pa ng talent manager.

Patuloy pang mensahe ng nanay ni Ruffa, “I know you love me. I feel it & I can see it. This difficult times na prove ko lahat.”

Ibinahagi rin niya sa madlang pipol kung gaano kabait ang kanyang panganay, “I was so shocked the night before I left. Dumating yung yung PA mo. 9pm may dalang check from you. 

“Super shocked dahil magkaaway tayo that time. We did not talk. I understand wala tayong trabaho lahat. Lumabas pa rin ang pera. You touched your savings for me.

Alam kong never mong ginalaw ang savings for your kids. Kaya sobrang touch. I didn’t expect anything from you. 

“But anyway nagmana ka rin sa daddy mo malambot ang puso at hindi nagtatanim ng galit kaya ka siniswerte. Hindi katulad ko sinusumpa ang kaaway,” aniya pa. 

Read more...