May sakit na OFWs bigyang prayoridad sa pag-uwi

NANAWAGAN si ACT-CIS Rep. Niña Taduran sa gobyerno na magpadala muli ng mga eroplano at barko sa ibang bansa upang sunduin ang mga stranded na overseas Filipino workers.

Umapela rin si Taduran na gawing prayoridad sa pagsundo ang mga OFW na may sakit.

“Our overseas Filipino workers are sick and dying. They are getting depressed and are desperate for help. Let’s bring them home if our embassies abroad can’t help them,” ani Taduran.

Pagdating sa bansa ay maaari umanong dalhin ang mga may sakit sa mga ospital kung saan konti ang kaso ng coronavirus disease gaya ng Mariano Marcos Memorial Hospital sa Ilocos Norte na iisa lang ang pasyenteng may Covid-19.

Ang barko naman umano ng Philippine Navy ay maaaring magsilbi na ring quarantine facility para sa mga isasakay nitong OFW. Pagdating sa bansa ay maaari na silang pauwiin kung negatibo sa COVID-19.

“I have been receiving calls for help from our fellow Filipinos who are sick with Covid-19 but not admitted in hospitals. Tinatanggihan daw sila ng mga ospital doon at sinasabihang mag-quarantine na lang sa tinitirahan nila. Wala raw tumutulong sa kanila kung hindi kapwa nila manggagawang Filipino,” saad ni Taduran.

Isang senior OFW na nagtatrabaho bilang mananahi ay nahawa umano ng COVID-19 bukod pa sa kanyang diabetes. Tinulungan lamang umano ito ng isang Filipino nurse na pumunta sa kanyang bahay matapos na mag-post sa social media.

“Kung hindi siya tinulungan ng kapwa Filipino, baka wala na rin si tatay,” dagdag ng lady solon. “It is very alarming to know that some OFWs die in their rented homes without getting medical help. And some take their own lives due to depression.”

Giit ni Taduran hindi dapat pabayaan ang mga OFW na itinuturing na bayani ng ating bansa.

Read more...