BUKOD sa pagiging cashless, dapat ay maging iisa na lamang umano ang collection system sa mga tollgate upang mas maging mabilis ang biyahe sa mga expressway.
Ayon kay Valenzuela Rep. Wes Gatchalian ang dagdag na pahirap sa mga motorista ang paiba-ibang collection system sa magkakaibang expressway.
“With the coronavirus disease (COVID-19) pandemic, however, going cashless on toll collections has taken a public health significance. Our expressways serve as gateways to different parts of the country,” ani Gatchalian.
Inihain ni Gatchalian ang House Bill 6619 upang mapaigting ang paggamit ng cash-less collection system upang maalis ang pagkakaroon ng contact ng driver ng sasakyan ay kolektor ng toll fee.
“In the absence of a cure or vaccine for COVID-19, and with the still increasing number of confirmed infections in the country, we must continue finding ways to help contain the spread of the virus and save more lives.”
Sa ilalim ng panukala ang Department of Transportation (DOTR) sa tulong ng Department of Science and Technology (DOST) ay gagawa ng multi-protocol radio frequency identification (RFID) tag na magagamit saan mang expressway daraan ang motorista.
Nakasaad din sa panukala ang pagtatayo ng National Electronic Toll Collection System (NETCS).
Sa bawat pagtaas sa tollgate ay dapat makita rin ng motorista kung magkano ang ibinawas sa load ng kanyang RFID tag.
Mayroong 13 expressway sa Luzon na ino-operate ng magkaka-ibang kompanya.