Unang operasyon sa baby ni Tekla tagumpay: Ihahanda na po siya sa next surgery  | Bandera

Unang operasyon sa baby ni Tekla tagumpay: Ihahanda na po siya sa next surgery 

Ervin Santiago |June 27,2020
facebook
share this

Unang operasyon sa baby ni Tekla tagumpay: Ihahanda na po siya sa next surgery 

Ervin Santiago - June 27, 2020 - 08:29 AM

SUPER TEKLA

SUCCESSFUL ang unang operasyon ng bagong silang na anak ni Super Tekla na may birth defect na “anorectal malformation.”

Isinilang si Baby Miro ng partner ni Tekla na walang butas ang puwit kaya talagang bumagsak ang mundo ng Kapuso TV host-comedian nang malaman niya ang kundisyon ng anak.

Sa kanyang Facebook Live, ibinalita ng komedyante na sumailalim na sa colostomy ang anak at naging matagumpay ang operasyon ng bata na isinagawa sa Philippine Children’s Hospital sa Quezon City.

“Good news. Okay na po. Successful po ‘yung unang operation ni Miro. Thank God, praise God! So this time, nasa ano na po siya, ililipat po sa ICU,” simulang pahayag ng TBATS host.

Pagpapatuloy niya, “Stable, successful po ‘yung kanyang operation. Thank you, thank you! Salamat at heto na, nasa healing process na po tayo.”

Ayon pa kay Tekla, magandang senyales ang paglaban ni Baby Miro sa kanyang kundisyon kaya very positive siya na mabilis na makaka-recover ang anak. Pero aniya, may isa pang operasyon na gagawin sa bunsong anak.

 “Praise God po, thank you. Salamat, talagang granted ni Lord ‘yung aking dasal. Unang-una ‘yung safety at saka ‘yung lakas ni Miro, ang galing, sobrang tapang nu’ng bata. 

“Akalain mo, nag-undergo na siya agad ng medyo mabigat na operation, ‘yung colostomy. Pang-prepare po ‘yun doon sa susunod niyang operation, para po ‘yung passage po at nang makakain na siya.

“Kapag makakain na po siya nang maayos at regular na po ‘yung nilalabas niyang dumi, that’s the time na makakakuha siya ng sapat na lakas para sa susunod na operation ay kayang-kaya na niya. Thank you po sa dasal. Thank you, thank you very much,” lahad pa ng komedyante.

Kasalukuyang nasa recovery stage na ang partner ni Tekla matapos isilang si Baby Miro at ang tiyahin muna ng bata ang nagbabantay dito habang nasa ICU.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huling bahagi ng FB Live ni Tekla, nanawagan siya na kailangan niya ng babaeng pwedeng maging guardian ni Baby Miro habang ito’y nasa ospital. Mismong siya raw ang susunod sa taong interesado sa kanyang offer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending