UMAPELA si House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez sa Kamara de Representantes na maglaan ng pondo upang maiuwi sa bansa ang mga overseas Filipino workers na nawalan ng trabaho.
Sa pagdinig ng House committee on Accounts, sinabi ni Romualdez na ipinatawag ang pagdinig upang makita ang problema at mahanapan ito ng solusyon.
“Isa lang po ang intensyon namin: makita ang buong problema at malaman kung paano kami makakatulong…. We are besieged by complaints from our constituents regarding the plight of OFWs during this pandemic,” ani Romualdez. “Let us all continue working hand-in-hand. Together, I know we cannot fail and we will defeat COVID-19 together.”
Sinabi naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano na dapat suklian ang sakripisyo ng mga OFW na nagreresulta sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
“Ngayon na may krisis, yes overwhelming, lahat po apektado, but it’s time na ipakita natin sa OFWs na ‘yong sakripisyo nila ay pinahahalagahan natin,” ani Cayetano. “At the end of the hearing, we would like to see a reintegrated solution…. a workable solution,” the Speaker said. “The question is: are we doing enough for our OFWs? Are we doing enough for our country and our communities?”
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III maaaring sa mga susunod na araw ay humingi ito ng pondo sa Kongreso upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga OFW.
Inamin ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola na kung mayroong sapat na pondo ay mas maraming OFW ang maire-repatriate.
“The bigger problem is that we have a very high utilization rate. If we continue repatriating aggressively… by the end of August or mid-August, we will not have funds for repatriation anymore,” ani Arriola.