3 huli sa P374K shabu

ARESTADO ang tatlong lalaki na nahulihan umano ng P374,000 halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Quezon City kagabi.

Nasakote ng Fairview Police sina Jonathan Bautista, 39, ng Brgy. Gulod, Novaliches; Alvin Rivera, 34, at Adrian Polintan, 51, mga taga- Brgy. Pasong Putik.

Nakabili umano ng P1,000 halaga ng shabu ang poseur buyer sa mga suspek alas-6 ng gabi sa Bagong Buwan st., Teresa Heights, Brgy. Pasong Putik.

Nang maaresto ay nasamsam umano sa kanila ang 15 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000, sling bag, dalawang cellphone, isang Toyota Innova (NAE6800) at isang Yamaha Sniper 150cc motorcycle.

Read more...