Kelot nahulihan ng P204K shabu

SWAK sa selda ang 22-anyos na lalaki na nahulihan umano ng P204,000 halaga ng shabu sa Quezon City kahapon.

Si Nino Joseph De Leon, 22, ng 20 Jacinta st., Villa Susana Subd., Brgy. Caniogan, Pasig City, ay naaresto ng Kamuning Police sa buy-bust operation.

Nakipag-ugnayan umano ang QCPD sa Eastern Police District kaugnay ng gagwin nitong operasyon sa Dr. Sixto Ave., Brgy. Caniogan, Pasig City, alas-5:15 ng hapon.

Nakabili umano ang poseur buyer ng P11,000 halaga ng shabu. Nang maaresto ay nakuhanan pa umano ito ng tinatayang 30 gramo ng shabu.

Read more...