Mag-inang Aiko, Andre kinasuhan ang netizen sa likod ng ‘fake sex scandal’

KINASUHAN na ni Aiko Melendez at ng panganay na anak na si Andre Yllana ang netizen na nagpakalat ng balitang may video scandal umano ang binata.

Talagang tinotoo ng aktres ang banta niyang idedemanda ang Twitter user na si @jakolinks matapos sabihing ipo-post niya ang sex video ni Andre kapag umabot na sa 25,000 ang followers niya.

Mariing idinenay ni Andre na meron siyang sex scandal at umamin pa sa publiko na virgin pa siya at never daw siyang gagawa ng isang bagay na makasisira sa kanya at sa pamilya niya.

Kanina, personal na nagtungo si Aiko kasama si Andre at ang boyfriend niyang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun sa opisina ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) office (Cybercrime Division) sa Camp Crame, Quezon City.

Dito nga sila nagsampa ng pormal na reklamo laban kay @jakolinks. Ipinost ni Aiko sa Facebook ang ilan nilang litrato na kuha sa CIDG office kasama ang ilang pulis. 

Mensahe ng Kapuso actress, “Maraming Salamat po PLTCOL NICOMEDES P OLAIVAR JR PNP-ACG.. CYBERCRIME And Gen Agustin sa agarang Action!”

Dagdag pa ng nanay ni Andre, kilala na rin nila ang taong nasa likod ng nasabing Twitter account kaya humanda na ito sa kanilang kaso.

“We now have a lead of who this crazy pervert, who caused my son Andre Yllana anxiety!” matapang na lahad ng Kapuso actress.

Nagpasalamat din si Aiko kay Vice Governor Jay dahil hindi ito nagdalawang-isip na suportahan sila ng kanyang anak at samahan sila sa CIDG.

“Thank you baby Vg Jay Khonghun for stepping in for Andre. We appreciate your presence,” aniya.

Ito naman ang mensahe ni Aiko sa nasabing netizen, “As i told you don’t mess with any of my love ones.

“Especially when we are right! Because we will teach you a lesson that you regret learning,” sabi pa ni Aiko.

Read more...