INIHATID ang 117 Locally Stranded Individuals sa Bicol sakay ng mga tren ng Philippine National Railways.
Umalis ang tren alas-2:45 ng umaga sa Tutuban station. Kasama ng 117 LSIs ang 24 na frontliners.
Ginamit ng PNR ang Bicol Express Sleeper Coach at EMU Coaches.
Isinakay sa Sleeper Coach ang mga pasahero na may espesyal na pangangailangan gaya ng isang pamilya na may tatlo o higit pang bata, buntis, senior citizen at may kasamang special child.
Binigyan din ng makakain ang mga LSIs bago umalis at habang nasa biyahe.
Bago pinasakay sa tren ay sumailalim sa rapid anti-body test para sa coronavirus disease ang mga LSIs. Isingawa ito ng Philippine Coast Guard Medical Team.
Pagdating sa kani-kanilang probinsya, ang mga LSIs ay susunduin ng kani-kanilang local government units at dadalhin sa quarantine facility kung saan sila mananatili ng 14 na araw.