Enchong walang tinanggal na empleyado sa mahigit 15 resto business kahit may COVID | Bandera

Enchong walang tinanggal na empleyado sa mahigit 15 resto business kahit may COVID

Ervin Santiago - June 25, 2020 - 03:55 PM

IBINANDERA ng Kapamilya actor na si Enchong Dee na wala silang tinanggal o ni-lay off na empleyado mula sa mga pag-aaring restaurant.

Ito ang kinumpirma ng binata sa ipinost niyang mensahe sa kanyang Instagram Story kamakailan.

Sa kabila nga ng halos tatlong buwang pagtigil sa operasyon ng mga restaurant nina Enchong na nasa 18 branch na ngayon, nagdesisyon sila na walang matatanggal kahit isang empleyado.

Marami nang negosyong nalugi at nagsara mula nang magkaroon ng lockdown sa bansa dulot ng COVID-19 kaya naman milyun-milyong Pinoy na rin ang nawalan ng trabaho at pagkakakitaan.

Ayon kay Enchong, malaking tulong na rin kahit paano sa kanilang negosyo ang pagpayag ng gobyerno sa dine-in operations ng mga restaurant at food chain sa Metro Manila at iba pang kalapit-probinsya.

“I’m proud to announce that all our employees in our branches of @pericharcoalph are healthy and safe,” post ni Enchong sa kanyang Instagram account.

Mensahe pa niya, “Our company did not lay off a single employee as we know how hard it is to be unemployed at this time of uncertainty.”

At dahil hindi pa rin magiging sapat para makabawi agad sa pagkalugi ang mga pag-aaring resto, hinikayat ng Kapamilya actor ang kanyang followers na suportahan ang kanilang catering services.

“To any companies around the Metro looking for an everyday catering/delivery of food, let’s meet in person and we are ready to provide fresh meals for you,” anang binata.

Bukod sa food business, may iba pang negosyo ang young actor na siguradong naapektuhan din ng COVID-19 pandemic pero tulad ng mga kapwa niya businessman, naniniwala si Enchong na magbabalik din sa normal ang lahat at makakabawi at makakabangon din ang mga Filipino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending