Richard sure na walang anak sa labas: Inisa-isa ko kung may napunlaan ba, awa ng Diyos waley!  | Bandera

Richard sure na walang anak sa labas: Inisa-isa ko kung may napunlaan ba, awa ng Diyos waley! 

Reggee Bonoan - June 25, 2020 - 03:00 PM

“BAKIT hindi ka nagkalat ng lahi?”

Yan ang diretsong tanong ni Ogie Diaz sa Facebook Live chat nila ni Ormoc City Mayor Richard Gomez.

“Alam mo naman ako, very conservative,” mabilis na sagot ng aktor-politiko.

Inulit-ulit pa ni Ogie ang tanong, “Bakit hindi nagkalat ng Gomezes sa mundo si Richard Gomez?”

“Siguro ‘yun ang ibinigay ng Panginoong Diyos sa amin ni Lucy (Torres-Gomez) na isang anak lang, si Julianna lang,” nakangiting sabi ni Goma.

Pero kahit na nag-iisang anak si Julianna ay katumbas na raw ito ng anim na anak, “Actually si Julianna sapat na ang isa para sa amin kasi si Julianna parang anim na anak, eh,” tumatawang sabi ng guwapong tatay ng dalaga.

Pero naisip ba ni Richard na posibleng nagkaroon siya ng panganay bago si Julianna? Hindi naman maitatanggi na kaliwa’t kanan noon ang naging katipan ng aktor bago dumating sa buhay niya si Cong. Lucy.

“Alam mo sa totoo lang, binalikan ko lahat ‘yun, inisa-isa ko tiningnan ko kung mayroon akong napunlaan ba, awa ng Diyos waley,” pag-amin ni Goma.

Sabay biro ni Ogie na hindi nagmana ang Ama ng Ormoc sa bestfriend nitong si Tsong Joey Marquez.

Samantala, natanong kung may planong kumandidato si Congw. Lucy sa Senado bilang huling termino na niya sa Kongreso, “Napakalawak ng kino-cover ng Senate saka parang wala sa radar namin na ganu’n ang tatahakin,” ani Goma.

Magpapalit ba ng posisyon sina Goma at Lucy sa congress at pagka-mayor?

“Depende kasi dapat maganda ang relasyon ng congresswoman o congressman at mayor.  Kasi ‘yung mayor siya naman ‘yung nag-i-implement ng batas.  ‘Yung congresswoman o congressman sila ‘yung gumagawa ng batas at nagdadala ng malalaking projects sa distrito.  

“Dapat magkakampi kayong dalawa para mabilis ‘yung progress, mabilis ‘yung pagpasok ng infrastructure program sa isang lugar.  Ganu’n ang nangyayari sa amin dito ni Lucy kasi sila ‘yung nasa national offices,” paliwanag ni Goma.

Ano namn ang maipapayo ni Goma kay Sharon Cuneta sa mga pinagdadaanan nito ngayon, lalo pa’t nadamay na pati ang mga anak niya sa pambu-bully sa kanya at sa asawang si Sen. Kiko Pangilinan.

“’Yun ang problema kasi sa social media, anybody can just post anything.  Pag-post ng opinyon nila, post ng galit nila.  Siguro tayong mga artista, we have to accept the fact na mayroong may gusto sa atin mayroong ayaw, so minsan masakit at napupuno ka na, kahit naman ako sumasagot ako sa mga ganyan.

“Tao rin tayo na nasasaktan, taong may damdamin kahit naman ako madaling mapikon so, ang ginagawa ko kung kaya ko silang i-delete, dini-delete ko sila, kung kaya so silang i-block, bina-block ko sila,” sabi nito.

Tungkol naman sa planong pagdedemanda ni Sharon laban sa dati niyang publicist at direktor na si Ronald Carballo, “That is her right kung ano ang gusto niyang ikaso.  Pero parang nakita kong humingi na yata siya ng paumanhin, well it’s her right (ituloy ang demanda).”

Babalikan pa ba ni Goma ang pag-arte sa harap ng kamera? “Kung tapos na ako dito sa politika.  Ang kagandahan kasi ng artista, simula bata hanggang sa tumanda ka, there is always a role na babagay sa ’yo,” saad ni Richard.

 

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending