5 huli sa buy-bust operations

KALABOSO ang lima katao sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City.

Sina Richard Esponilla, 30, ng Marikina City at Real Erolan, 39, ng Brgy. San Roque, Cubao, ay naaresto ng Cubao Police, alas-4 ng hapon sa kanto ng Session Rd., at Center Ave., Araneta Center, Brgy. Socorro, Cubao.

Bukod sa P500 shabu na nabili ng poseur buyer, narekober umano sa mga suspek ang P12,200 halaga ng shabu, kalibre .38 revolver na may 10 bala.

Naaresto naman ng Novaliches Police sina Armando Macasucol, 60, Butch Carlos, 44, at Jun Mark Garais, 27, alas-3 ng hapon sa Dona Rorie st., Brgy. Sta. Monica, Novaliches.

Narekober umano sa kanila ang P51,000 halaga ng shabu.

Read more...