2 huli sa P3.4M shabu

Jail

ARESTADO ang dalawang drug suspects na nakuhanan umano ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa Quezon City kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Casmir Caris, 36, at Montiyah Madaya, 38, parehong vendor at ng Brgy. 384, Zone 39, Quiapo, Manila.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya laban sa mga suspek alas-5:15 ng hapon sa 821 Norzagaray st., Brgy. 384, Zone 39, Quiapo, Manila City.

Nakabili umano ang poseur buyer ng P26,000 halaga ng shabu sa mga suspek. Nang maaresto ay narekober umano sa mga suspek ang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Read more...