Grab maghahatid ng agri products ng Philippine Harvest Initiative

TUTULONG ang Grab sa Department of Tourism upang palakasin ang Philippine Harvest Initiative nito na naglalayong tulungan ang mga fresh at processed local food companies na maihatid ang kanilang mga produkto sa mga kustomer.

Pumasok sa partnership ang Grab at DoT upang matulungan ang mga magsasaka at small and medium enterprises sa pagbebenta ng kanilang mga produkto.

“Grab is committed to leveraging its technology to support local businesses, especially as we navigate through this new reality. As we lend our support to the farmers and SME partner-merchants under the Philippine Harvest program of the Department of Tourism, we hope that more Filipinos will support locally-grown products,” ani Grab Philippines President Brian Cu.

Gagamitin ng Grab ang platform nito upang mapalawig ang kamalayan ng publiko kaugnay ng mga produkto ng Philippine Harvest. Ang GrabExpress ang kukuha ng produkto at maghahatid sa kustomer.

“We are optimistic that as we provide support to the local agripreneurs, we will be able to work as one to help their businesses grow while also providing Filipinos a more convenient and accessible way to enjoy local products,” dagdag pa ni Cu.

Nauna rito, pumasok sa kasunduan ang Grab at Department of Agriculture para maihatid ang mga produkto na mabibili sa eKadiwa online marketplace.

Read more...