NAGHAIN ng resolusyon sa Kamara de Representantes si Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo upang hilingin sa Bureau of Internal Revenue na ipagpaliban ang memorandum circular na inaatasan ang mga online seller na magparehistro at magbayad ng income tax at iba pang buwis.
“It is undeniable that community quarantine restrictions imposed due to the Covid-19 pandemic have incidentally caused an e-commerce boom, as many businesses have shifted from traditional or face-to-face selling to online or digital selling,” ani Castelo sa House Resolution 994.
Sinabi ni Castelo na maraming umusbong na maliliit na negosyo dahil sa pandemya.
“They offer to sell and delivery anything their communities need, from eggs, meat, bread, vegetables, rice, disinfectant, face masks, other medical supplies and food products, to ultra-violet lamps. They even sell furniture, office equipment and school supplies,” saad ng lady solon.
Marami pa ring takot na lumabas sa kani-kanilang mga bahay kaya bumibili na lamang ang mga ito sa online businesses.
“In fact, it is these community sellers who started catering to people who chose to stay home. The established businesses like restaurants and fast-food chains are just starting to catch up.”
Sa inilabas umanong memorandum ng BIR maaaring marami ang hindi na lamang magtinda sa takot na mas malaki pa ang ibayad nilang buwis kaysa sa kanilang kinikita.
“Many of these people are workers who lost their jobs due to quarantine restrictions. I think that they are not really making money. They are just trying to make both ends meet. There is thus strong opposition to the move of the BIR to get them registered and to tax them,” dagdag pa ni Castelo.
Pagkatapos umano ng pandemya, maaaring tsaka ituloy ng BIR ang pagpaparehistro sa mga online sellers.