Monching natakot habang nanganganak si Lotlot kay Janine: Labas na po ako! 

PINUSUAN ng netizens ang close relationship ni Janine Gutierrez sa amang si Monching Gutierrez na kapansin-pansin sa recent YouTube video ng Kapuso actress. 

Para sa kanyang Father’s Day vlog, special guest ni Janine si Monching na game na game namang sinagot ang mga nakakaaliw na questions ng anak. 

Kuwento ng aktor, gulat daw ang naging reaksyon nito nang malamang ipinagbubuntis noon ni Lotlot si Janine.

“The day you were born, we were waiting matagal kasi dapat normal ‘yung delivery. 

“Tapos ang tagal-tagal na hindi ka pa lumalabas. They made caesarian. When I saw the blood, ‘Labas na po ako.’

“I didn’t see you come out. I got scared because of the blood. First there was no blood so okay lang. And then it became all blood.

“I went to New Manila, I took a shower. When I got back, you were born na,” sabi ng dating matinee idol.

 

Proudest moment naman ni Monching bilang ama kay Janine at sa tatlo pa nitong kapatid ang makita silang lahat na lumalaki nang mabuti, “To see that you’re all okay and doing good.” 

Tinanong ni Janine ang ama kung balak pa uli nitong magpakasal tulad ng inang si Lotlot, “No. I’m sanay na to be binata tapos with you lang. Okay na.” 

Read more...