Aiko diretsahang tinanong si Andre kung virgin pa: Oo naman! 

HOT topic pa rin ngayon sa social media ang paghahamon ni Aiko Melendez sa netizen na nagsabing may sex video umano ang anak na si Andre Yllana. 

Inaantabayanan ngayon ng madlang pipol kung itutuloy ba ng aktres ang pagsasampa ng kaso laban sa Twitter user na si @jakolinks na nagpakalat ng balita tungkol sa video scandal ni Andre.

Ang hamon ng netizen, dapat daw umabot muna sa 25,000 ang kanyang followers sa Twitter bago niya i-post ang video ng binatang anak ni Aiko.

Sa nakaraang Facebook live ng mag-ina, nanindigan si Aiko na virgin pa ang kanyang anak at never itong gagawa ng isang bagay na ikakahiya at pagsisisihan niya habangbuhay.

“Kung meron kang hang-ups sa buhay mo, huwag mong ipasa sa ibang tao. Kung may sakit ka man o hindi ka tinuruan sa pag-iisip mo, think before you click.

“Kasi alam mo ngayon, hindi lang dapat pinu-post mo, iniisip mo, kasi puwede mo ikapahamak ‘yan!” ang pahayag ni Aiko.

Dito na nga sinabi ng award-winning actress na hindi siya magdadalawang-isip na magdemanda dahil anak na niya ang sangkot sa kontrobersiya.

 “Kaya hinahamon kita, ano nga pala pangalan mo ulit? Pinapasikat kita, e. Jakolinks, dapat hindi na kita in-address, pero nakakasira ito sa pangalan ng anak ko dahil ito pinalaki ko ‘to nang matino.

“Jakolinks, kung matapang ka, lumabas ka. Kung may sex scandal ka ng anak ko, ilabas mo! Pero, kapag wala kang sex scandal, idedemanda kita, naiintindihan mo?” banta ni Aiko.

Hirit pa niya, “So, ayun, nililinaw lang po namin na wala pong sex scandal si Andre. So, parang pag-amin na niya na…virgin ka pa, di ba?” 

“Oo naman,” mabilis na tugon ng binata sa kanyang nanay.

Sey uli ni Aiko, “So, wala talaga siyang sex scandal.” Na sinundan pa ni Andre ng, “Kasi, Mom knows everything. I tell her everything.”

Narito naman ang message ni Andre sa nasabing netizen, “I don’t know what I’ve done to you. I don’t know who you are. I don’t’ know why you are hiding in another name.

“I don’t know what I’ve done to you. I mean, if I have done anything that I’m not aware of, I’m really sorry ‘coz I have no idea. I don’t have any idea.

“’Coz me, growing up, hindi naman po sa pagbubuhat ng bangko or anything, si Mommy po kasi, pinalaki akong mabuti. Kaya hindi ko po maintindihan kung bakit ako naisipan ng ganyan.

“I don’t even know how to explain myself. At the same time, it’s very humorous because it’s very funny, ‘coz I don’t even see myself doing that.

“Basta ang akin lang, hinahamon kita, bro, bro or sis or whatever, hinahamon kita, please, galingan mo, ha.

“Kasi ako, excited na rin ako makita yung so-called scandal ko. Kasi wala akong ganu’n. So, I hope kung may plano ka mang mag-edit ng whatever, I hope galingan mo, ha, yung kapani-paniwala,” diin pa ng anak ni Aiko kay Jomari Yllana.

Inamin din ng binata na, “Though, medyo nakakaapekto rin siya nang konti, kasi ngayon dahil, alam mo yun, na alam mo naman sa sarili ko na hindi ko kaya gawin yun.

“Pero pinaniniwala niya ang ibang tao na ganun ako, alam niyo yun? I have a lot of friends, may mga kaibigan ako na nanonood, kilala niyo naman ako, kayo na mag-vouch sa akin.

“I’m really shocked, at the same time nakakatuwa din kasi, alam mo yun, ultimo ganu’ng bagay pinagkaabalahan pa ako,” aniya pa. 

Read more...