Kim Domingo gustong maging Jaclyn Jose; pinayuhan ni Marian 

ROLE model kung ituring ng Kapuso star na si Kim Domingo ang award-winning veteran actress na si Jaclyn Jose. 

Ang 2016 Cannes International Film Festival Best Actress daw ang isa sa talagang tinitingala niya sa showbiz industry.

“Isa siya sa mga taong tinitingnan ko na balang-araw maging gano’n ako, kaya gusto ko makita rin ng mga tao ang akting ko,” pahayag ni Kim.

Dahil nga rito ay sinusubukan niyang sundan ang mga yapak ni Jaclyn na sandamakmak na ang naiuwing acting awards.

Una na rito ang desisyon niya na iwan ang imahe ng pagiging sexy star. 

“Inunti-unti ko siya. Inuna ko siyempre, hindi na ako nagpo-post ng mga sexy photo tapos ‘yung pananamit ko, hindi na rin ako masyado nagsusuot ng mga revealing clothes,” aniya.

Naging motivation din niya ang payo na nakuha mula kay Primetime Queen Marian Rivera na nakatrabaho niya noon sa primetime series na “Super Ma’am.”

“Sabi niya, ‘Kung saan ka masaya, kung saan ka mas kumportable, ‘yun ‘yung gawin mo. At saka maganda nga ‘yan na mayroon ka pang ibang ipakikita,” lahad pa ni Kim. 

                         * * *

Speaking of Marian Rivera, isang star-studded weekend bonding ang hatid ng well-loved GMA program na Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo dahil bibida muli sa back-to-back episodes ang Primetime Queen.

 

Gaganap na isang taong-grasa si Marian sa unang kuwento ni Lola Goreng na “Grasya ang Taong Grasa.”

 

Susundan ito ng magical story na “Download Mommy” na pagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Mikee Quintos at Manilyn Reynes.

 

Mapapanood ang “Daig Kayo Ng Lola Ko” tuwing Linggo pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago mag-Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA. 

Read more...