4 dakip sa sabong ng gagamba

ARESTADO ang apat katao nang mahuling nagsasabong ng gagamba, sa Tanauan City, Batangas, kahapon.

Nakilala ang mga nadakip bilang sina Sherwin Manalo, Patrick Dimaano, Jonald Brillante, at John Lorenzo Dayrit, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Isinagawa ng mga tauhan ng lokal na pulisya ang operasyon alas-5:40 ng hapon, sa Brgy. Darasa.

Nakuhaan ang mga suspek ng 10 buhay na gagamba, sari-saring paraphernalia, at P540 cash na taya.

Read more...