KUNG muli mang papayagan na bumiyahe ang mga motorcycle taxi, dapat umano ay mas mataas na lebel ng health safety guidelines ang gamitin sa mga ito.
Ito ang sinabi ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong na nagpasalamat sa Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Disease matapos nitong atasan ang mga ahensya ng gobyerno upang bumuo ng guidelines para sa angkas ng pribadong motorsiklo.
“Motorcycle taxis should have stricter safety and social distancing protocols if compared with motorcycles that are strictly for family members. The IATF-EID should prioritize those who are ferrying family members,” ani Ong.
Isa si Ong sa nanawagan sa IATF-EID na payagan na ang mag-asawa o mag-kapamilya na mag-angkas sa motorsiklo.
Sa halip na maglagay ng barrier, ipinanukala ng solon na pakuhanan na lamang ng specially designed identification cards o exemption passes ang mga miyembro ng pamilya na magka-angkas sa motorsiklo.
Sinabi ni Ong na hindi rasonable na pagbawalan ang mag-asawa na magka-angkas sa isang motorsiklo gayong sa iisang bahay lang sila umuuwi.
“While it is true that it is nearly impossible to observe social distancing on motorcycles, it is also true that there is really no need for social distancing among couples and family members. Wala naman talagang nagaganap na social distancing ang mga magkakasama sa bahay,” ani Ong.
Makatutulong umano ang pagpayag sa mag-asawang magka-angkas sa pagbawas ng mga taong stranded sa mga kalsada.
“Despite the move to finally allow city buses and modern jeepneys to operate, there is still a huge gap in terms of capacity and accessibility of these modes of public transport. We should allow people to ferry their family members on motorcycles to reduce the demand for the buses and jeepneys,” dagdag pa ng solon. “Every day, we see a lot of stranded people on the streets because there is really a big gap on the capacity of these buses and jeepneys. We would definitely bridge the gap if we finally allow motorcycle back-riding among couples and family members.”