Kawal patay, 9 pa sugatan sa engkuwentro vs. Abu Sayyaf

ISANG sundalo ang nasawi at siyam pa ang nasugatan nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan ang Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu, kahapon.

Nakilala ang nasawi bilang si 1Lt. Ryan Lou Retener, miyembro ng Army 32nd Infantry Battalion.

Ang mga sugatan nama’y pawang may mga ranggong sergeant at private first class.

Naganap ang sagupaan kahapon ng tanghali, habang nagpapatrolya sina Retener sa Sitio Tubig Bukayon, Brgy. Pansul.

Matapos ito’y may natagpuang mga bakas ng dugo sa puwesto ng Abu Sayyaf, pero di pa matiyak kung ilan ang nasugatan o nasawi sa mga bandido, ayon kay Maj. Arvin Encinas, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command.

Nagsasagawa pa ng operasyon ang Joint Task Force-Sulu para matunton ang mga tumakas na bandido, aniya.

Read more...