1.2M libreng sakay naibigay sa frontliner health workers

UMABOT na sa 1.2 milyon ang libreng sakay na naibigay sa mga frontline health workers mula ng ipatupad ang Enhanced Community Quarantine hanggang kahapon.

Ayon sa Department of Transportation kahapon ay umabot na sa 1,203,177 ang bilang nang naisakay sa ilalim ng programa ng Department of Transportation.

Sa naturang bilang 348,092 ang sa National Capital Region-Greater Manila area.

Ang mga bus na bumibiyahe sa 20 ruta papunta at galing sa iba’t ibang ospital at quarantine facilities ay mayroong GPS location tracker upang malaman ng mga sasakyan kung nasaan na ito.

Read more...