Jennylyn 11 ang alagang pusa: Matrabaho at magastos pero sulit! 

SOSYAL ang 11 alagang pusa ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.

Ibinandera ng girlfriend ni Dennis Trillo ang sandamakmak niyang feline babies sa kanyang latest vlog sa YouTube.

Hindi mga ordinaryong pusa ang alaga ng aktres dahil iba-iba ang breed ng mga ito at talagang napakasarap ng buhay nila kasama sina Jen at Dennis.

Nandiyan ang mga Scottish Fold na sina Clay at Gray, Scottish Straight na sina Amy, Nate, at Bruce, Siberian na si Sage, British Shorthair na si Bisping, Highland Fold na si Dana, Oriental Shorthair na si Yair, Korean Bobtail na si Jones, at Ragdoll na si Dustin.

Chika ni Jennylyn, hindi madaling mag-alaga ng mga pusa. Pero aniya, ibang saya ang naidudulot ng mga ito sa kanya, lalo na kapag nag-iisa lang siya sa bahay.

“Hindi biro mag-maintain ng ganito karaming alagang pusa, matrabaho at magastos, pero worth it. Ibang saya naman ang ibinibigay ng bawat isa sa kanila,” ani Jen.

Nakaka-good vibes nga naman ang cuteness ng mga pusa kaya naman naisipan nina Jennylyn at Dennis na magtayo ng isang cat cafe na pinangalanan nilang Litterbucks.

                           * * *

Certified vlogger na rin ang Kapuso actor na si Ken Chan. 

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya na libangan niya talaga ang manood ng vlogs ng YouTubers at kapwa niya mga artista kaya naman na-inspire rin siyang pasukin na ang vlogging.

“Ang dami kong natututunan sa mga vloggers at co-artists ko. Nakakaaliw at nakakapagpagaan sila ng loob habang pinapanood ko sila,” kuwento ni Ken.

 

Inanyayahan din niya ang netizens na mag-subscribe sa kanyang YouTube channel, ”Sobrang excited na akong sabihin sa inyo ito…please subscribe to my YouTube channel, Chasing Chan and click the notification bell to stay up to date with my content!”

 

Napapanood ngayon si Ken sa rerun ng “Meant To Be” sa GMA Telebabad.

Read more...