WALANG planong mag-honeymoon ang Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young.
Ang talagang balak nila matapos silang ikasal early this year na ginanap sa Subic ay ang magtrabaho muna nang magtrabaho para makapag-ipon at makapaghanda para sa susunod nilang “project”.
At yan ay ang makasama naman ang kanilang mga pamilya sa kanilang next travel destination.
Maraming fans ang nagtatanong kung nakapag-honeymoon ba sina Megan at Mikael bago pa ipatupad ang lockdown sa bansa dahil sa COVID-19 crisis.
Sagot ni Megan sa ginanap na virtual conference ng GMA kamakailan para sa kanila ni Mikael, “Actually, we had no plans.” Aniya, bago kasi ang community quarantine busy si Mikael sa Kapuso series na “Love of My Life” habang naghahanda naman siya para sa bagong serye ng GMA na “Legal Wives.”
“Ang napag-usapan namin ni Mikael is, you know we travel a lot and we’ve seen a lot of different countries. Possibly to some honeymoon places. So hindi naman talaga namin kailangan mag honeymoon, per se.
“What we can do now is work, save money, and maybe the next thing we’re gonna do when we travel is with family kasi ‘yun pa ‘yung hindi namin nagagawa, with both of our families together,” pahayag ng beauty queen-actress.
Patuloy pa ni Megan, “Once things settle down and it’s safe to travel, what Mik and I want to do is, we want to be able to travel locally.
“Mas locally kasi alam namin na maraming businesses ‘yung naapektuhan and ‘yung tourism dito sa Philippines naapektuhan. So one thing we want to support is the local scene and local business,” aniya pa.
Ano naman ang naiisip nilang first destination sa next chapter ng kanilang married life? “We’re both into coffee. So, at the moment, we’re really trying to get in touch with local cafes, coffee roasters, and coffee farms to help promote lang and to raise awareness.
“Parang, ‘Uy, bili tayo dito sa local grocery and local farms para matulungan natin sila.’
“But I would love to physically visit some of these farms and raise awareness of the coffee scene here in the Philippines para masuportahan naman ng mga Pinoy ang sarili nating produkto,” chika naman ni Mikael.