NAG-SORRY si Frankie Pangilinan sa madlang pipol dahil sa kanegahang idinulot ng pagsasalita niya tungkol sa rape issue kamakailan.
Ngunit aniya, naninindigan siya sa kanyang paniniwala na hindi dapat sisihin ang isang rape victim dahil sa klase ng pananamit niya. Ipinagdiinan niya na ang rape ay rape ay rape.
Aware ang dalaga na maraming naapektuhan sa kanyang mga sinabi kaya humihingi siya ng pasensiya sa kanyang followers sa social media na naba-bash dahil sa pagkampi at pagtatanggol sa kanya.
“I’m really sorry for the unnecessarily loud negativity today but I’m not sorry for standing up for myself.
“I truly hope this situation helped more than it did harm. I love you (fans and followers) always,” post niya sa Twitter.
Kasabay nito ang kanyang hiling na sana’y mas dumami pa ang mga taong handang manindigan at magtanggol sa mga rape victims at mabigyan sila ng chance na makapagsimula uli.
“It just sucks so bad to think about how many ACTUAL victims (not just of threats, etc.) can’t even begin to fight for their own justice… and here I am receiving one vile tweet and some people are enraged on my behalf.
“Can we please unleash the same fire for everyone?” ani Frankie.
Pinuri naman ng mga netizens sina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan sa pagpapalaki kay Frankie. Naniniwala sila na minana nito ang tapang at compassion sa kapwa ng kanyang mga magulang.
“I used to be silent, thinking justice will come soon but I was wrong. The day of reckoning is earned through concerted effort and I hope I’m not too late in realizing this,” comment ng isang Twitter user.
Sey naman ng isa pa, “I agree. But, I can’t imagine how hard it is for victims to come forward in the first place, when this victim-blaming and rape joke culture still exists. Thank you for fighting, you started a conversation that was long overdue.”
Hirit ng isa pa niyang fan, “You’re brave and smart and intelligent. Ang kagaya mo ang kailangan ng Pilipinas. Sana one day ang mga katulad mo na ang mamuno sa bansa para naman lumiwanag kahit paano ang buhay nating lahat.”